NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office National Capital Region (NCR) ng karagdagang 1,700 sleeping kits sa Delpan Evacuation Center.
Ito ay bilang tulong sa mga pamilyang naaapektuhan ng sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.
Bawat sleeping kit ay mayroong laman na dalawang kumot, mat, kulambo, malong, unan at plastic box. Ang sleeping kits ay kabilang sa non-food items na ipinagkakaloob ng DSWD sa mga pamilyang naaapektuhan ng kalamidad.
(DDC)