8 July 2024
Calbayog City
National

Magnitude 6.6 na afterhock, yumanig sa Hinatuan, Surigao Del Sur, kagabi

NIYANIG ng magnitude 6.6 na lindol ang Hilagang Silangan ng Bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur, ala sais y medya kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, isa ito sa mga aftershock matapos tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa naturang lalawigan noong sabado ng gabi.

Una itong naitala sa magnitude 6 subalit binago at itinaas sa magnitude 6.6.

Naiatala ng sentro ng lindol na tectonic in origin, 69 kilometers Northeast ng Hinatuan at may lalim na isang kilometro.

Naramdaman ang intensity 5 na Hinatuan, Surigao del Sur habang intensity 4 sa nabunturan, Davao de Oro; Claver, Surigao del Norte; Bislig City at Cantilan sa Surigao del Sur.

Isa lamang ito sa napakaraming aftershocks na naitala ng PHIVOLCS, kasunod ng magnitude 7.4 na lindol noong sabado ng gabi na ikinasawi ng isang buntis makaraang madaganan ng gumuhong pader.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *