NANINIWALA si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na may mga matibay na indikasyon ng foreign elements sa malagim na pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Ginawa ng Defense Chief ang pahayag matapos maglabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng statement kung saan kinondena nito ang walang saysay at karumal-dumal na krimen na gawa ng mga dayuhang terorista sa MSU at Marawi Communities.
Sinabi ni Teodoro na ang ini-release na statement ng Pangulo ay batay sa kanilang isinagawang konsultasyon.
Hindi naman tinukoy ng kalihim ang pagkakakilanlan ng dayuhang grupo at hindi rin nito sinagot kung may kinalaman ang MSU bombing sa giyera sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.