Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Masbate City.
Sa datos mula sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 13 kilometers northeast ng Masbate City, 6:21 ng umaga ng Linggo, Sept. 24.
May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
- Masbate City, Masbate
- San Fernando, Masbate
Intensity III
- Batuan, Milagros, Mobo, and Monreal, Masbate
Intensity II
- Aroroy, Baleno and San Pascual, Masbate
- Allen, San Isidro, and Victoria, Northern Samar
- Calbayog City, Samar
Intensity I
- Palanas and Mandaon, Masbate
Ayon sa Phivolcs posibleng makaranas ng aftershocks bunsod ng nasabing pagyanig.