HALOS hindi lumalabas sa kanilang hotel sa Davao City sina Sajid at Naveed Akram na responsable sa mass shooting sa Bondi Beach sa Sydney, Australia, habang sila ay nasa Pilipinas noong Nobyembre.
Ayon sa military sources, karaniwang lumalabas sa hotel ang mag-ama sa loob lamang ng isang oras, kaya’t imposible para sa kanila na maka-biyahe sa mga lugar para sa “military-style training,” gaya ng ipinahihiwatig sa foreign news sites.
Inihayag din ng military commanders na wala silang natanggap na reports na nagtungo ang mga Akram sa kanilang Areas of Responsibility.
Sinabi ni Major Ge. Leo Peña, Commander ng 11th Infantry Division sa Sulu, na lahat ng available information ay nagpapahiwatig na nanatili lamang ang mag-amang Akram sa Davao City sa kanilang buong biyahe sa Pilipinas.




