23 August 2025
Calbayog City
Metro

Mag-amang Jejomar at Jun-Jun Binay abswelto sa overpriced Makati City Parking Building

jejomar junjun binay

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay at anak na si dating Makati mayor Jejomar “Junjun” Binay Jr. sa kasong graft, falsification of public documents, at malversation kaugnay sa konstruksyon ng Makati City Parking Building.

Ang proyekto na pinondohan ng P2.2-billion ay sinimulan habang alkalde pa ng Makati ang nakatatandang Binay at itinuloy sa ilalim ng termino ng kaniyang anak na si Junjun.

Ayon sa Sandiganbayan, nabigo ang prosekusyon na patunayan na guilty beyond reasonable doubt ang mag-ama.

Binawi na din ng Sandiganbayan ang hold departure orders laban sa mag-ama at ini-release na ang kanilang bail bonds.

Taong 2015 nang isulong ng Office of the Ombudsman ang mga kaso laban sa mag-amang Binay at 22 iba pa dahil overpriced umano ang itinayong pasilidad.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.