INAASAHAN ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz ang maayos na leadership transition sa People’s Television Network (PTV).
Kasunod ito ng appointment ni dating Executive Secretary Oscar Orbos bilang pinuno ng state-run television network.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sa briefing sa palasyo, sinabi ni Ruiz na ipino-proseso na ang appointment ni Orbos bilang acting PTV general manager matapos maghain ng courtesy resignation ang papalitan nito na si Toby Nebrida.
Unang nang inihayag ni PCO chief na ang pagbabago sa liderato sa PTV ay bunsod ng reklamo ng mga empleyado laban kay Nebrida na itinalaga sa posisyon noong June 2024.