AABOT sa 202 million pesos na halaga ng Smuggled Frozen Mackerel ang nasamsam sa port of Manila.
Ayon sa Bureau Of Customs (BOC), ang 19-container shipment na nagmula sa china ay idineklara bilang frozen fried taro para makalusot sa mga regulasyon.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Nasabat ito noong Jan. 25, kasunod ng request mula sa customs intelligence and investigation service at plant quarantine service-bureau of plant industry.
Sinabi ng BOC na nag-isyu ang mga awtoridad ng alert order noong Feb. 13, na nagresulta sa physical inspection ng shipment mula Feb. 18 hanggang 19.
Inihayag ni customs commissioner bienvenido rubio na ang iligal na pagpasok ng agricultural products ay banta sa mga magsasaka at sa food security.
