HINDI aabot sa record-breaking temperature na gaya ng naranasan sa Strong El Niño noong nakaraang taon ang mainit at dry season ngayong taon.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring And Prediction Chief, Ana Liza Solis, humina na ang northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na temperatura sa bansa.
ALSO READ:
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Gayunman, wala pa aniyang deklarasyon na nag-umpisa na ang mainit na panahon sa pilipinas.
Sinabi ni Solis na posibleng ideklara ang simula ng dry season sa ikatlong linggo ng marso, kapag umabot na sa 39 degrees celsius ang temperatura sa Northern Luzon, partikular sa urban areas.
