ISANDAAN apatnapung residente mula sa mga barangay Dawo, Pilar, Cabatuan, Macawat, at Cag-Anibong sa Oquendo District sa Calbayog City ang matagumpay na naka-kumpleto sa intensive Organic Agriculture Production Program.
Nakiisa sina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy at Samar 1st District Rep. Jimboy Tan sa graduation ceremony na ginanap sa Oquendo covered court.
Albuera Mayor Kerwin Espinosa, sumuko sa NBI – Cebu kaugnay ng kasong murder
Pag-upgrade sa Calbayog Airport sa Samar, malapit nang umarangkada
Landslides at pagbaha sa 1.4K na barangay sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Basyang, ibinabala ng MGB
Militar, pinaigting ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng NPA sa San Jorge, Samar
Kinumpirma ni TESDA Regional Director Dan Navarro ang matagumpay na pagtatapos ng mga residente sa naturang programa na kinapapalooban ng practical skills sa organic farming techniques, sustainable land management, pest control, at post-harvest handling.
Ang naturang achievement ay magbibigay ng kakayahan sa mga residente na makapag-ambag para sa mas sustainable at produktibong agricultural sector, na pakikinabangan ng kanilang mga pamilya at mas malawak na komunidad.
