Nakumpleto na ng Cavitex Infrastructure Corporation ang paglalagay ng girder para sa Cavitex C5 link R-1 interchange na matatagpuan malapit sa Cavitex Paranaque Toll Plaza, na mas maaga sa schedule.
Ang mahalagang pagbabagong ito ay magbibigay ng direktang koneksiyon magmula sa Cavitex R-1 (Coastal Road) hanggang Sucat Road sa Paranaque City, kung saan iikli ang oras ng biyahe sa sampung minuto
Target ng proyekto na mabubuksan ito sa first quarter ng taong 2024.
Ang R-1 Interchange ay magsisilbing mahalagang 1.9-kilometer segment (segment 2) sa mas malawak na Cavitex C5 link project.
Ito ay 7.7-kilometer, 2×3 lane expressway na magseserbisyo sa 50,000 na motorista na kumukonekta sa Cavitex R-1 hanggang C5 road sa Taguig na mas magpapabuti sa galawan o mobilidad ng rehiyon.