INIHAHANDA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas ang kanilang stocks ng Family Food Packs (FFPS) sa loob ng Regional Resource Operation Center at animnapung iba pang warehouses para sa tag-ulan.
Ayon kay Marie Nelle Lumagsao, DSWD Disaster Response Management Division Information Officer, mahigit 50,000 FFPs mula sa DSWD Main Office ang darating sa Hunyo para ipandagdag sa stocks ng rehiyon bago pa man magsimula ang pagtama ng La Niña Phenomenon.
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Tiniyak ni Lumagsao na mayroong mahigit isandaan libong food packs bilang paghahanda sa darating na La Niña.
Una nang inihayag ng PAGASA na tumaas ang posibilidad na posibleng maranasan ang La Niña sa Hunyo o Hulyo.
Idinagdag ni Lumagsao na batay sa karanasan, mataas ang demand sa relief items kapag tag-ulan dahil libo-libong pamilya ang naaapektuhan ng malawakang pagbaha.
