28 December 2025
Calbayog City
Local

1.6 billion pesos na International Seaport, itatayo sa Leyte

SISIMULAN ng Leyte Provincial Government ang pagtatayo ng International Seaport sa bayan ng Babatngon, sa Leyte, ngayong taon para palakasin ang Local Economy.

Ayon kay Governor Carlos Jericho Petilla, ang Seaport na tatawaging Leyte Provincial International Port and Leyte Export Processing Complex, ay popondohan sa pamamagitan ng 1.6 billion pesos na Loan mula sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Sinabi ni Petilla na inaasahan na magkakaroon ng mas maraming Transshipment kung mayroong mga importasyon na nakalaan para sa Eastern Visayas, na magreresulta sa mas mababang presyo ng mga produkto.

Binigyang diin ng gobernador na ang mga Cargo para sa Eastern Visayas ay dumarating sa Cebu City bago sa Leyte at Samar Provinces.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).