NAILIGTAS ang bente sais anyos na Chinese national sa isang condominium sa Parañaque City matapos umanong kidnapin.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa sila ng rescue operation matapos makatanggap ng report sa pamamagitan ng PNP hotline Facebook page.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Natagpuan ang biktima sa isang condo unit sa Barangay Don Galo, kasama ang apat na lalaki at isang babae na mga dayuhang suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon, ikinulong ang Chinese national simula noong Dec. 9, at nag-demand ang mga suspek ng isang milyong piso kapalit ng kalayaan ng biktima.
