Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 13 kilometers northeast ng bayan ng Caraga, alas 3:08 ng hapin ng Biyernes, Aug. 22.
ALSO READ:
May lalim na 142 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity II
- Caraga, Baganga, Cateel, Manay, at Tarragona, DAVAO ORIENTAL
- New Bataan, Nabunturan, Mawab, Laak, Maco, Mabini, Pantukan, Maragusan, Compostela, Montevista, at Monkayo, DAVAO DE ORO
- Bislig City, SURIGAO DEL SUR
- Malungon, SARANGANI
Intensity I:
- Malapatan, SARANGANI
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks.