MAS maraming Short-Term Foreign Capital ang lumabas ng bansa kaysa pumasok sa ikalawang sunod na buwan noong Abril, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Naitala ng BSP ang net outflow noong ika-apat na buwan sa 312.18 million dollars.
Mas mababa ito kumpara sa 351.87-million dollar outflow na na-record noong April 2023.
Gayunman, mas mataas ang ang net outflows noong Abril kumpara sa 236.02 million na naitala noong Marso.
Ang Foreign Portfolio Investments (FPI) ay karaniwang tinutukoy bilang “Hot Money” dahil sa mabilis na pagpasok at paglabas nito sa bansa.