IPINATAWAG ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Local Price Coordinating Council (LPCC) upang resolbahin ang problema sa presyo ng isda na tumaas mula nang ipatupad ang paghihigpit sa San Juanico Bridge.
Ayon sa fish suppliers, ilang klase lamang ng mga isda na regulated ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ang naapektuhan.
Idinahilan nila na ang presyo ng isda ay naka-depende sa iba’t ibang factors, kabilang na ang seasonal fishing at hindi rin umano nila kontrolado ang retail prices.
Matapos ang deliberasyon, napagpasyahan ng konseho na magtakda ng price ceiling sa apat na uri ng isda, partikular ang bangus na 270 pesos ang kada kilo habang ang tilapia, galunggong, at alumahan ay 200 pesos per kilo.