IPINAG-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na bilisan ang rehabilitasyon sa San Juanico Bridge para maitaas ang Load Limit nito sa 5 to 10 tons sa loob ng limang buwan mula sa kasalukuyang 3 tons.
Sa meeting kasama ang DPWH Regional Officials at consultants, sinabi ni Bonoan na dapat masimulan ng contractor ngayong Hunyo ang repair dahil available na ang design at ang pondo.
DICT, hinimok ang mga LGU na bumalangkas ng plano para mapalakas ang Digital Transformation
‘E-Panalo ang Kinabukasan’ Program, inilunsad ng DSWD sa Eastern Visayas
Calbayog Fiesta 2025: Hadang Festival, Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary at Historic Three-Peat sa Tandaya
300 benepisyaryo mula sa Tacloban City, naka-graduate na mula sa 4Ps
Tiniyak ng kalihim na magiging mabilis ang rehabilitasyon dahil mayroong available budget sa priority program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa project consultant na si Angel Lazaro III na inatasang isumite ang design para sa 10-Ton Load Limit sa June 5, sa ilalim ng Original Retrofitting Design, 2.1 billion pesos ang kailangan para sa dalawampu’t isang buwan na rehabilitasyon sa tulay.
Sinabi ni Lazaro na target na maibalik ang Load Limit na 33 tons sa loob ng halos dalawang taon matapos ang full rehabilitation sa San Juanico Bridge.