Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang munisipalidad ng Llorente, Eastern Samar, 12:12 ng kahapon ng tanghali.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol na tectonic in origin ay mayroong lalim na dalawampu’t limang (25) kilometro.
Naramdaman ang intensity 4 sa Llorente at Balangkayan sa Eastern Samar; intensity 3 sa Borongan City, Hernani, Maydolong, at Gen. Macarthur sa Eastern Samar at Tacloban City sa Leyte.
Naitala naman ang intensity 2 sa Quinapondan, Sulat, San Julian, Giporlos, Lawaan, Salcedo, at Balangiga sa Eastern Samar; at Palo at Babatngon sa Leyte.