7 July 2025
Calbayog City
National

Literacy skills ng K-3, dapat pagtuunan ng pansin, ayon sa DepEd

BINIGYANG diin ng Department of Education (DepEd) na kailangang i-develop ang literacy skills ng mga mag-aaral, sa kindergarten pa lang, upang matugunan ang nakaaalarmang kalagayan ng functional illiteracy sa mga batang Pilipino.

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Jerome Buenviaje, na tugon ito sa resulta ng 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), kung saan nabunyag na mahigit 18 million na junior and highschool graduates ang itinuturing na “functionally illiterate.”

Ipinaliwanag ni Buenviaje na mainam na mula kindergarten hanggang grade 3 ay matutukan ang pagtuturo sa mga bata upang hindi sila mahirapan pagdating ng grade 4.

Matatandaang 2023 nang ilunsad ng DepEd ang revised K-10 curriculum ng K-12 program.

Sa ilalim ng recalibrated curriculum, na ngayon ay nasa phased implementation, natapyasan ng 70%  o sa 3,600 ang bilang ng learning competencies mula sa 11,700.

Binawasan din ng DepEd ang bilang ng mga subject, para matutukan ang development sa foundational skills, gaya ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills ng kinder hanggang grade 3 learners.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.