NAG-resign na sa PNP ang vlogger na pulis na nag-viral matapos mang-galaiti sa galit at binatikos ang pagpapaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng reklamong Crimes Against Humanity.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo si Patrolman Francis Steve Fontillas, dahil sa pagbanat nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa social media.
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Napag-alaman mula sa QCPD na noong pang April 10 epektibo ang irrevocable resignation ni Fontillas sa PNP na inaprubahan ni NCRPO Director Police Major Gen. Anthony Aberin.
Isinapubliko ng QCPD ang kumpirmasyon matapos punahin ng publiko ang patuloy na pagbatikos ng vlogger na pulis sa social media laban sa administrasyon.
