5 July 2024
Calbayog City
Local

Lisensya ng baril ng motoristang sangkot sa road rage sa Quezon City, binawi na ng PNP

BINAWI na ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya ng baril ng driver ng kotse na sangkot sa road rage incident sa Quezon City na naganap noong Aug. 8.

Matapos mag-viral ang insidente, agad inatasan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda jr. ang Civil Security Group, partikular ang FEO License Revocation and Restoration Board na i-revoke ang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) at ang firearm registration ng sangkot na motorista.

Iginiit ni Acorda ang kahalagahan ng responsible firearm ownership.

Ayon sa PNP Chief, ang pagkakaroon o pagmamay-ari ng armas ay hindi katumbas ng pagkakaroon ng unrestricted privileges, kundi kaakibat nito ang pagiging responsable.

Kaugnay nito ay hinimok ni acorda ang lahat ng gun owners na maging responsable at tiyakin na ang kanilang mga hakbang ay may kaakibat na pagrespeto, accountability, at seguridad.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *