Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin sa Purok 4 Brgy. Carayman, Calbayog City, Sabado ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Marlon Mondero, 30 taong gulang at lineman/driver ng Fil Products.
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Base sa imbestigasyon ng Calbayog CPS, Nakita ang bangkay ng biktima na nakahandusay malapit sa isang timbol at may tama ito ng bala sa ulo.
Ang biktima, kasama ang kanyang katrabaho ay nagtungo sa Brgy. Bagacay para ayusin ang internet connection ng kanilang kliyente.
Matapos ayusin ang internet ng kliyente, isang tawag ang natanggap ng biktima.
Nagpaalam ito sa kaniyang kasamahan na kailangan niyang magtungo sa Brgy. Carayman para sunduin ang kanyang asawa.
Pagbaba ng biktima sa sasakyan ay pinagbabaril na ito ng hindi pa nakilalang suspek.
Samantala, nagsagawa ng hot pursuit operation ang Calbayog CPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pag aresto sa suspek.
