SINENTENSYAHAN si dating Honduran President Juan Orlando Hernandez ng apatnapu’t limang taong pagkakakulong at pinagmumulta ng 8 million dollars ng isang U.S. Judge bunsod ng drug trafficking offenses.
Noong Marso ay pinatawan ng guilty verdict ng isang jury sa New York si Hernandez, para sa tatlong drug trafficking charges matapos ang dalawang linggong trial sa Manhattan Federal Court.
In-extradite si Hernandez mula sa Honduras makaraang maghain ang US Department of Justice ng three drug-trafficking and firearms related charges laban sa kanya noong 2022.
Inakusahan ng prosecutors ang Limampu’t Limang taong gulang na dating pangulo ng pakikipagsabwatan sa drug cartels sa panahon ng kanyang panunungkulan, gaya ng pagbiyahe ng mahigit 400 tons ng cocaine mula Honduras patungong Amerika.