1 July 2025
Calbayog City
Local

Libreng Tacloban-Samar RORO Trip, sinimulan nang ilunsad ng Office of Civil Defense 

NAGSIMULA na kahapon ang libreng biyahe ng Roll-On, Roll-Off (RORO) na may rutang Tacloban-Samar, para sa mga cargo trucks na may kargang essential at perishable products sa gitna ng limitadong pagdaan sa San Juanico Bridge.

Sinabi ni OCD Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion na ang naturang hakbang ay upang maibsan ang pasanin ng cargo truck operators, government offices, at business sector.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng pagtiyak na patuloy na malayang makagagalaw ang essential goods at walang karagdagang bayarin sa alternatibong ruta sa karagatan.

Sa susunod na apat na buwan ay itatawid ng RORO vessel ang mga truck na may kargang essential goods sa pagitan ng Tacloban City at Barangay Amandayehan sa Basey, Samar, sa pamamagitan ng San Juanico Strait.

Ang naturang programa ay maaring palawigin depende sa available funds ng OCD.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).