ISINUGOD si Fifth Solomon sa emergency room matapos dumanas ng mental breakdown, na ayon sa kanya, ay dulot ng Online Bullying.
Sa health update na ipinost ng actor-director sa Facebook, sinabi nito na okay na siya at kasama niya sa ER ang kanyang sister balitang ina, na komedyanteng si Chariz Solomon.
ALSO READ:
Mr. International 2025 Kirk Bondad at Model-Actress Lou Yanong, kumpirmadong nagkabalikan
K-Pop Group na Seventeen, balik Pilipinas sa susunod na taon para sa kanilang World Tour
Ate Gay, nakumpleto na ang kanyang Chemotherapy Sessions
Jonathan Bailey, itinanghal bilang Sexiest Man Alive for 2025 ng People’s Magazine
Bago ang post ni Fifth ay sinagot niya ang mga pamba-bash na natatanggap niya sa online.
Tinawag siya ng mga basher na retokada, flop, baliw, at kung anu-ano pa, subalit hindi siya mapapabagsak ng mga ito dahil kilala niya kung sino siya at kung ano ang kanyang halaga.
Nakilala si Fifth noong 2014 matapos sumali sa reality show na “Pinoy Big Brother.”
