1 July 2025
Calbayog City
Local

Libreng sakay para sa mga apektado ng Load Limit sa San Juanico Bridge, ipinatutupad sa rutang Tacloban-Amandayehan Samar

BILANG tugon sa epekto ng ipinatutupad na Weight Restrictions sa San Juanico Bridge, ilulunsad ng Regional Inter-Agency Coordinating Cell (RIACC8) Task FOrce San Juanico, ang Libreng Sakay Program para sa mga mahahalagang kalakal at mga produkto na madaling masira.

Sa pangunguna ng Office of Civil Defense Region VIII, sinimulan ang libreng sakay ngayong Miyerkules, June 18.

Sa ilalim ng programa, isang Landing Craft Tank (LCT) ang magbibigay ng libreng sakay sa rutang Tacloban–Amandayehan sa Basey Samar at pabalik.

Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng suplay sa mga apektadong lugar sa Eastern Visayas.

Kasama sa maaaring mabigyan ng libreng sakay ang mga cargo trucks at delivery vehicles na may lulang perishable goods gaya ng pagkain, gamut, tubig, animal feeds, at produktong petrolyo.

Gayundin ang mga government at humanitarian vehicles na may dalang relief goods o logistical support para sa Disaster Response Operations.

Maaari ding maka-avail ng libreng sakay ang mga pribadong sector na supplier o trader ng essential goods na inendorso ng LGUs, Task Force San Juanico at ng OCD-Region VIII.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).