POSIBLENG gamitin ng Department of Education (DepEd) ang Learners’ Certificate Scholarship ng Taguig City bilang Model Initiative para sa ibang Local Government Units sa gitna ng pagsisiksikan sa mga paaralan.
Ibinibigay ang Taguig Learners’ Certificate (TLC) sa graduating public elementary students sa lungsod para makapag-aral sila ng high school, ka-partner ang private schools loob ng lokalidad, para lumuwag ang public schools at makalikha ng mas kaaya-ayang Learning Environment.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na pinag-aaralan na rin nila ang ganitong programa para sa ibang lugar, gaya ng Cavite at Laguna, kung saan masisikip na ang mga pampublikong paaralan.
Sa ilalim ng programa, sagot ng city government ang tuition at Miscellaneous Fees at 10,000 pesos na allowance para sa iba pang School-Related Fees.
Sa ngayon, ang programa ay mayroong 61 partner private high schools sa buong lungsod ng Taguig.
