NASA tatlumpung dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Matuguinao, Samar ang magkakaroon ng sarili nilang bahay sa pamamagitan ng “Saad Nga Balay” Program.
Ayon kay Mayor Aran Boller, ongoing na ang site preparation matapos ang groundbreaking noong June 19.
150-million peso facility, itatayo para paluwagin ang Tacloban City Jail
Matarinao Bay sa Eastern Samar, apektado pa rin ng Red Tide
Increase sa incentives ng BHWs, inaprubahan sa Northern Samar
DILG, muling nanawagan sa barangay officials na paigtingin ang hakbang sa disaster preparedness sa Eastern Visayas
Ang proyekto na matatagpuan sa sentro ng bayan, ay pinondohan ng Samar Provincial Government.
Bawat bahay na mayroong 49-square meter lot area at may semi-concrete design ay gagastusan ng 250,000 pesos.
Ang “Saad Nga Balay” Housing Project ay binuo ni Brig. Gen. Lenart Lelina, Commander ng 801st Infantry Brigade ng Philippine Army, at unang ipinatupad sa bayan ng San Jose De Buan.
Bukod sa housing assistance, ang mga dating rebelde ay sumailalim din ng skills training, kabilang ang education and community development programs habang hinihintay na makumpleto at mai-turnover ang mga pabahay.
