7 July 2025
Calbayog City
Local

Libreng Biyahe ng RORO sa Tacloban-Samar, nakapagtawid ng 241 trucks sa unang linggo

NAKAPAGTAWID ang Government-Sponsored na Roll-On, Roll-Off (RORO) vessel trips ng 241 trucks na may kargang essential goods sa pagitan ng Tacloban City at Basey, Samar, sa gitna ng San Juanico Bridge Crisis.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion, na nakapag-serbisyo na ang programa sa 215 cargo trucks at 26 fuel tankers sa buong Tacloban-Amandayehan-Basey Corridor sa pamamagitan ng labing anim nabiyahe, mula nang ilunsad ito noong June 18 hanggang noong Martes ng gabi.

Saklaw ng programa ang cargo cargo trucks at delivery vehicles na nagbi-biyahe ng essential at perishable goods, gaya ng mga pagkain, gamot, tubig, animal feed, at petrolyo.

Kasama rin ang government at humanitarian vehicles na nasa official duty na may sakay na relief goods o logistical support para sa Disaster Response Operations.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).