MANANATILI ang Alert LEvel 3 o Voluntary Repatriation Phase sa Israel, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na hihintayin ng ahensya ang opisyal na rekomendasyon ng Philippine Embassy sa Tel Aviv kung mananatili o ibababa ang Alert Level, sa gitna ng unti-unting pagbabalik sa normal ng Israel kasunod ng Ceasefire sa Iran.
Tiniyak din ni De Vega na magpapatuloy ang Repatriation sa mga Pinoy na humiling na makaalis sa naturang bansa.
Opisyal nang tinapos ng Israel ang State of Emergency makaraang ideklara ang “Historic Victory” sa kanilang 12-Day Military Action laban sa Iran.
Binawi na rin ng Israel Defense Forces Home Front Command ang Restrictions sa mga paaralan, public gatherings, at workplaces.