22 November 2024
Calbayog City
Local

Leyte Storm Surge Protection Wall, 64 percent pa lang na kompleto makalipas ang 9 na taon

MAKALIPAS ang siyam na taong konstruksyon, 64 percent nang kumpleto ang Leyte Tide Embankment Project na dinisenyo para magsilbing harang ng coastal communities mula sa malalaking alon, ayon sa Department of Public Works and Highways.

Aminado si DPWH Eastern Visayas Director Edgar Tabacon na nananatiling hamon ang pagtatayo ng 38.12-Kilometer Storm Surge Protection sa Tacloban City patungong bayan ng Tanauan, labing isang taon matapos manalasa sa rehiyon ang Super Typhoon Yolanda.

Sinabi ni Tabacon na simula nang umpisahan nila ang konstruksyon noong 2016, ay iba’t ibang problema na ang kanilang kinaharap, at sisikapin nila sa ilalim ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matatapos nila ang proyekto.

Idinagdag ng DPWH Official na ang pagkompleto sa project ay depende sa availability ng pondo na ipagkakaloob ng national government.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).