NAGBABALA ang PAGASA laban sa malawakang pagbaha at landslides sa Northern Luzon sa paglapit sa kalupaan ng Severe Tropical Storm Nika.
Sunod-sunod na hinagupit ng bagyo ang hilagang Luzon, at ngayon naman ay nagbabanta ang tropical storm Nika na pinangangambahang mas mapaminsala dahil sa lakas ng dala nitong hangin at ulan.
Sa kanyang pagtungo sa Cagayan, pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga residente na lisanin ang kanilang mga tahanan at sumilong sa mas ligtas na lugar kapag sinabihan sila ng lokal na pamahalaan.
Sa advisory ng PAGASA, maaring makaranas ang Cagayan, Isabela, Apayao, at Aurora ng malalakas na pag-ulan na hanggang 200 millimeters simula ngayong Lunes hanggang bukas na maaring magdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.