NAGHAIN si Leyte Governor Carlos Jericho Petilla at kanyang running mate na si Leonardo Javier ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa reelection.
Simula nang mag-umpisa ang filing ng COC noong nakaraang martes ay walang ibang indibidwal na nagsumite ng kanilang partisipasyon sa halalan para sa dalawa sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan, batay sa records ng Comelec Provincial Office sa Tacloban City.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Walang sinuman ang nagpahayag ng intensyon na tumakbo bilang gobernador sa 2025, kahit sa social media platforms.
Sina Petilla at Javier ay kapwa naghahangad ng ikalawang termino matapos manalo noong 2022, sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC), na bahagi ng koalisyon na sumusuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
