KINUMPIRMA ni Claudine Barretto ang posibilidad na gumawa ng comeback movie sa kanyang dating showbiz rival na si Judy Ann Santos.
Sinabi ni Claudine na humahanap pa sila ng magandang proyekto para sa kanilang pagbabalik pelikula.
Una nang inihayag ni Juday na mayroon siyang natanggap na ilang story pitches subalit wala pa ang konsepto ng para sa project nila ni Claudine.