MAKARARANAS ng dose oras na power interruption ang buong bayan ng Lemery sa lalawigan ng Batangas sa March 28, 2025.
Ayon sa abiso ng tanggapan ni Lemery Vice Mayor Geraldine Ornales, magsisimula ang power interruption 8:00 ng umaga at tatagal hanggang 8:00 ng gabi.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Base ito sa anunsyo ng BATELEC i na nakasasakop sa bayan ng Lemery.
Magsasagawa kasi ng preventive/corrective maintenance, pagtatayo ng poste, paglalagay ng meter conductor cover at iba pa ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Apektado ng power interruption ang Poblacion at ang lahat ng mga Barangay sa Lemery. (DDC)
