8 July 2024
Calbayog City
Local

Legalisasyon ng deborsiyo, lusot na sa Senado

senate

Aprubado na ng komite sa senado ang panukalang gawing legal ang diborsiyo sa bansa.

Sa committee report ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, nakasaad na kinikilala ng senado ang kasagraduhan ng pamilya.

Gayunman, tungkulin din ng senado na tiyakin na napangangalagaan ang dignidad ng bawat tao, nagagarantiyahan ang pagrespeto sa human rights, pagprotekta sa interest ng mga bata.

Sa ilalim ng divorce bill, ang petisyon ay maaaring ihain ng mag-asawa o ng isa sa kanila.

Ang joint petition na ihahain ng mag-asawa na mayroong mga anak ay dapat may nakalatag na plano patungkol sa pagbibigay ng suporta, kostodiya, at living arrangements sa mga bata. Kung ang maghahain ng reklamo ay indigents, hindi na ito pagbabayarin ng filing fees at iba pang gastusin para sa litigation.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *