Nag-inspeksiyon ang Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources at San Miguel Corporation sa dolomite beach.
Kasunod ito ng alok ni SMC President at CEO Ramon Ang na tutulong ang kaniyang kumpanya para masolusyonan ang pagbaha sa Metro Manila.
Sa isinagawang ocular inspection, tiningnan ang Faura outfall na isa sa tatlong malalaking drainage outfall na naisara nang simulan ang rehabilitasyon ng Baywalk noong taong 2020.
Tinalakay ang mga posibleng solusyon at maaaring maibigay na tulong ng SMC para makadaloy ang tubig at hindi na maging sanhi ng pagbaha sa bahagi ng Taft Avenue.
Sa isinagawa namang pulong, ibinahagi ng SMC ang update sa mga daluyang tubig na kanila nang nalinis at patuloy na isinasaayos para maibsan ang pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.