Nagsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib-pwersa ng Calbayog City Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) laban sa isang suspek sa pagbebenta ng armas sa Brgy. Capoocan sa Calbayog City.
Ikinasa ang operasyon hapon ng Lunes, June 24, na nagresulta sa armed confrontation.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Kinilala ang nasawing suspek na si John Elvis Magbutay Estinopo alyas “Janjan” na residente ng Brgy. Hamorawon sa nasabing lungsod at miyembro ng “Magbutay Criminal Gang”.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nahuli sa akto ang suspek na nagbebenta ng armas sa mga operatiba na nagpapanggap na buyer.
Nang makatunog ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon ay nagpaputok ito ng baril.
Agad namang dumepensa ang mga pulis at pinaputukan ang suspek na kaniyang ikinasawi.
