MALAGIM ang naging Pasko ng isang lalaki matapos itong pagbabarilin hanggang sa mamatay sa Calbayog City.
Nakilala ang biktima na si Jhun Casimero, empleyado ng City Veterinary Office bilang dog catcher.
Nadamay din sa pamamaril ang isang Daniel Romano Jr. na nagtamo ng tama ng bala at kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Nangyari ang insidente sa bahagi ng Pido Extension, Calbayog City, pasado alas 9 gabi ng Lunes, December 25.
Hindi pa matukoy ang motibo at kung sino ang suspek sa krimen.