5 July 2024
Calbayog City
Local

Lalake patay nang manlaban sa buy bust operation ng mga otoridad sa Calbayog City

DEAD-on-arrival sa Calbayog District Hospital ang isang lalaki makaraang manlaban umano sa mga otoridad na nagkasa ng buy-bust operation gabi ng Biyernes, August 4, 2023.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Arnold Dealagdon alyas ‘Jimboy’ residente ng Rama extension, Brgy. East Awang, Calbayog City. Siya ay sinasabing miyembro ng grupo ni Carlito Magbutay Jr. altas ‘Alas’. Si Dealagdon ay dati na ring naaresto dahil sa paglabag sa RA 10591 at RA 9516 noong Mayo 10 ng taong kasalukuyan.

Sa spot report, nabatid na nagkasa ng buy-bust ang pinagsanib-puwersa ng PNP Regional Office 8, Samar Police Provincial Office at Calbayog CPS laban sa suspek pasado alas 7:50 ng gabi sa St. Ignacius Memorial Park, Brgy. Rawis, Calbayog City.

Nakabili umano ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ng
isang (1) unit ng kalibre .38 na rebolber na nagkakahalaga ng pitong libong piso. (Php 7, 000).

Matapos ang nasabing transaksyon nagbigay na ng hudyat ang poseur buyer sa mga otoridad para arestuhin ang suspek.

Gayunpaman, naramdaman at napansin ng nasabing suspek ang papalapit na mga pulis at agad na inilabas ang kanyang baril at nagpaputok sa mga operatiba dahilan para gumanti ang mga pulis na kanyang ikinamatay.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *