INAASAHANG darating ngayong lunes ang labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs)na nasawi sa sunog sa isang gusali sa Mangaf District sa Kuwait.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ire-repatriate ang bangkay ng tatlong pinoy sa Pilipinas, mamayang hapon.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Inatasan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang kanilang Regional Welfare Offices na makipag-ugnayan sa mga kaanak ng mga biktima para sa ipagkakaloob na tulong at suporta.
Sinabi ni Ignacio na na-kontak na ng OWWA ang mga kaanak ng iba pang mga OFW na naapektuhan ng sunog.
Tatlo mula sa labing isang OFWs na naapektuhan ng sunog sa gusaling tinitirhan ng foreign workers sa Kuwait ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasa kritikal na kondisyon.
