27 April 2025
Calbayog City
National

Muslim Filipinos, hindi nagpatinag sa ulan para ipagdiwang ang Eid’l Adha

HINDI inalintana ng mga muslim ang buhos ng ulan para magtipon-tipon at magdasal upang ipagdiwang ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice sa Quiapo, Maynila.

Kahapon ay libo-libo ang dumagsa sa Golden Mosque at sa mga lansangan sa Quiapo upang ipagdiwang ang naturang kapistahan.

Ayon kay Jalal Jamil, Grand Imam ng Golden Mosque, tinaya sa sampunlibong muslim ang nakiisa sa pagdiriwang sa kabila ng maulang panahon.

Pinaalalahanan ng grand imam ang mga muslim na patuloy na isagawa ang mga ipinag-uutos ni Allah, iwasan kung ano ang mga ipinagbabawal sa kanila, at gawin kung ano ang makabubuti sa mundo at higit sa kabilang buhay.

Ipinagdasal din nito ang lahat ng Pilipino at umaasang manatili ang pagmamahalan anuman ang relihiyon, at igalang ang pananampalataya, paniniwala o tradisyon ng bawat isa.

Sana rin aniya ay mapanitili ang kapayapaan saan mang dako ng mundo.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *