NAKATAKDA ring dumating sa bansa mamayang hapon ang dalawampu’t isang Filipino Seafarers na nailigtas mula sa Merchant Ship na MV Tutor matapos atakihin ng Houthi Rebels sa Red Sea noong nakaraang linggo.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang mga pinoy seafarers ay sinalubong ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-On Louis noong Sabado at sasamahan sila ni DMW Labor Attache Hector Cruz sa kanilang flight.
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Sinabi naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na dumating sa Port of Manama sa Bahrain noong Sabado ang lahat ng dalawampu’t isang pinoy nang ligtas at nasa maayos na kalagayan.
Batay sa reports, inatake ng Houthi Rebels ang liberian-flagged na barko sa pamamagitan ng drones at missiles noong Miyerkules malapit sa Yemeni Port of Hodeidah na nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala sa engine room.
