WALUMPU’T limang child laborers mula sa anim na barangay sa San Isidro, Northern Samar, ang tumanggap ng tulong mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng Project Angel Tree, sa ginanap na Child Labor Prevention and Elimination Program Event.
Ang mga benepisyaryo na edad walo hanggang labimpito na mula sa mga Barangay Caglanipao, Palanit, Mabuhay, Alegria, San Juan, at Veriato, ay dating mga naglalako sa mga kalsada, na naglalagay sa kanila sa hindi ligtas na kondisyon.
Sa pamamagitan ng Partnership ng DOLE, Provincial Welfare and Development Office, at ng Department of Social Welfare and Development, tumanggap ang mga bata ng Food Packs, School Supplies, at mga laruan, habang walumpu’t apat na magulang naman ang pinagkalooban ng tig-dalawanlibong pisong Cash.