Muling itinanghal ang De La Salle Green Archers bilang mga hari ng UAAP Men’s Basketball.
Ito’y makaraang padapain ng De La Salle University ang University of the Philippines sa Game 3 ng Season 86 Finals, sa score na 73-69 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Pinangunahan ni Season 86 MVP Kevin Quiambao ang Green Archers sa pamamagitan ng kanyang 24 points, 8 rebounds, 4 assists, 2 blocks, at isang steal.
Ito na ang ika-sampung Men’s Basketball Championship ng DLSU.