24 June 2025
Calbayog City
Provincial

Person of interest sa pagpaslang sa doktor sa Naga City, tukoy na ng mga awtoridad

TUKOY na ang person of interest sa pagpaslang sa isang doktor na Naga City, ayon sa Police Regional Office 5.

Sinabi ni pro 5 Spokesperson, Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, sa ngayon ay ongoing ang imbestigasyon ng naga city police sa naturang person of interest.

Inihayag naman ni Naga City Police Office Chief, Police Colonel Erwin Rebellon na patuloy itong pinaghahanap ng kanilang binuong special investigation team.

Linggo ng gabi nang matagpuan ang katawan ni Dr. Rajean Monnette Romualdez na may tama ng bala sa ulo, sa loob ng nakaparadang sasakyan sa isang village sa barangay Concepcion Pequeña, malapit sa Bicol Medical Center.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).