ARESTADO ang anim na korean nationals at labinlimang pilipino na umano’y nag-o-operate sa isang POGO hub, sa Pasay City.
Sa report mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, ipinatupad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Bureau of Immigration at PAOCC ang mission order, batay sa intelligence information na kanilang natanggap tungkol sa grupo na nag-o-operate ng online gaming at ang target ay mga koreano.
ALSO READ:
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Natagpuan ang mga ito na nag-o-operate sa isa sa mga kwarto sa basement ng heritage hotel sa Pasay City.
Idinagdag ng PAOCC na bukod sa gaming operations, sangkot din umano ang mga suspek sa game fixing at online scamming.
