21 May 2025
Calbayog City
Overseas

Delta plane, pabaliktad na bumagsak sa Toronto Airport sa Canada, 18, sugatan!

LABINGWALO katao ang sugatan matapos mag-crash ang isang eroplano sa Toronto Pearson International Airport sa Canada.

Ayon sa canadian authorities, pabaliktad na bumagsak sa runway ang Delta Airlines flight na may walumpung pasahero mula sa Minneapolis sa Amerika.

Sa paglalarawan ng isang pasahero, nagmistula silang nakabiting mga paniki sa loob ng eroplano matapos itong bumagsak.

Tiniyak naman ng airport chief executive officer na walang nasawi sa naturang insidente, bagaman isasara muna ang dalawang runways sa mga susunod na araw para sa imbestigasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).