MAARING mag-avail ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na naapektuhan ng severe tropical storm Kristine ng calamity loans na hanggang 300,000 pesos mula sa Department of Trade and Industry (DTI) upang matulungan ang kanilang mga negosyo na makabangon mula sa epekto ng bagyo.
Sinabi ni DTI Acting Secretary Ma. Cristina Roque na, as of Oct. 27, halos apatnaraang MSMEs ang nag-report na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Aniya, naglaan ang DTI ng dalawang bilyong piso para sa kanilang programa na tulungang makabawi ang mga negosyante.
Inihayag ni Roque na ang maliliit na negosyante sa mga lugar na hinagupit ng bagyo ay maaring mangutang ng sampunlibong piso hanggang tatlundaang libong piso sa pamamagitan ng pag-log-in sa sbcorp.gov.ph.
Maari aniyang bayaran ang loans ng hanggang isang taon nang walang interest.
Ire-release aniya ang loans makalipas ang pitong araw mula sa araw ng aplikasyon, basta’t kumpleto ang requirements.